Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay "nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pag sasalaysay". Ang sanaysay ay nag-mula sa dalawang salita, ang SANAY at PAGSASALAYSAY. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon, at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.
Ang Pormal o Maanyo na sanaysay ayon kay Genoveva Edroza-Matute, ang sanaysay ay bunga ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na datos. Ibigsabihin, hinihingi sa mga pormal na sanaysay ang masinsing pag-oorganisa ng datos, ang malinaw, lohikal, at kapani-paniwalang pagpapaliwanag, at kritika o analisis sa mga ito. Madalas nating mabasa o mapakinggan ang mga pormal na sanaysay sa isang intelektwal na kaligiran tulad sa mga klase, pagsusulat, simposya, at lektyur. Samantala, personal o impormal na sanaysay, binibigyan ng kalayaan ang mananaysay sa kanyang pagkatha batay sa kanyang karanasan at kung paano niya isinasabuhay ang karanasang ito. Para kay Matute, tinawag niyang "palagayan" ang impormal na sanaysay. Nakikipagpalagayan ang mananaysay sa kanyang paligid.
Nilikha ang sanaysay para
makapaglayong magbigay ng kaalaman at makapagdulot ng aliw sa mga mambabasa.
Nilikha rin ang sanaysay para magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa
pangkaunlarang isip at hilagyo ng mga mambabasa. Nilikha din ang sanaysay para
makapag-patawa o kaya ay manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin
at kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa.
Ayon kay Hidalgo ang malikhaing
sanaysay ay mga salaysay na totoo o hindi kathang-isip na gumagamit ng
estratehiya at mga teknik. Kaya naman madalas sulatin ang malikhaing sanaysay.
Isa na rito ay ang pagsulat ng talaarawan o journal na sumasalamin sa
naoobserbahan, nakikilatis, nararamdaman, at nauunawaan sa mga bagay-bagay
batay sa perspektiba ng may-akda. Madalas din tayong sumulat ng malikhaing sanaysay
para makausap natin ang pamilya natin sa malayong lugar sa pamamagitan ng
pag-gawa ng isang liham o pag-susulatan.
Ang talambuhay ay isang anyo ng
panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay
na tala, pangyayari, at impormasyon. At batay sa "bagong" pamantayan
sa pagkakategorisa sa sanaysay bilang anyong pampanitikan ni Bienvenido Lumbera
maaaring sakupin ng kategoryang sanaysay ang alinmang akdang prosa na "
nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit para paniwalaan natin"
at batay nga sa depinisyon ni Lumbera maituturing na sanaysay ang talambuhay.
Maituturing na malikhaing sanaysay ang blog/blogging dahil ito ay nagiging tala
sa talaarawan o dyornal na mababasa sa internet. Sa ilang website, tulad ng Facebook,
bukod sa mga tula, komiks at kwento ang laganap na paraan ng pagpapahayag ng
damdamin ng karanasan ng mga bloggers ay ang malikhaing sanaysay.
Maraming katangian ang dapat
taglayin ng isang sanaysay. Ayon kay Lee Gutkind, kinakailangang taglayin ng
malikhaing sanaysay ang mga sumusunod na katangian: pagsasabuhay at
pakikipamuhay sa reyalidad na sinulat, pananaliksik sa napiling paksa,
pagninilay sa nakalap na datos, pagbabasa ng mga tekstong makatutulong sa
pagsusulat; at mismong akto ng pagsusulat. Batay naman kay Philip Gerard, dapat
daw mayroon itong malinaw na sanjek at isang malalim na sabjek, kinakailangan
din na sumunod ito sa katangian ng paksa sa peryodismo na napapanahon.
Nagsasalaysay ito ng isang magandang kwento gamit ang ekstruktura ng maikling
kwento. Dapat ito ay isang pagmumuni-muni ng may-akda. Panghuli,pinapahalagahan
nito ang sining ng pagsulat.
Sa pagbabalik-tanaw natin sa nakaraan maraming
mga dayuhan ang sumakop sa ating bansang Pilipinas kaya naman sobrang laking
kontribusyon ang naiambag ng sanaysay ay makapagbigay-impormasyon sa mambabasa
at higit sa lahat ay maipahayag nating mga Pilipino ang ating mga hinanakit sa
mga mananakop. Naging daluyan ito ng ideolohiya sa pamamagitan ng pag-likha
nila ng sanaysay. Naipasa dito ang mga paniniwala sa iba't-ibang henerasyon
kaya naman ang mga paniniwala noon ay buhay pa hanggang ngayon.
Magmula nang madiskubre ang
blogging nagsilbi ito na isa sa mga pinaka importanteng bahagi ng journalism:
ang blogging. Sa Pilipinas noong Disyembre 2009, isang photo blog ang
nagsilbing pinanggalingan ng halos lahat ng mga pangkat pambalita para ibalita
ang isang sunog noong buwan na iyon pero nag-mula rin sa blog ang karamihan sa
mga kontrabersiya na kadalaysa'y nagpapatama sa mga mahahalagang personalidad.
magandang hapon po, maaari po bang malaman ang batis na iyong pinagkunan para sa artikulo na ito? para lamang po sa karagdagang impormasyon, maraming salamat po.
TumugonBurahin